Pormal nang itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Associate Justice Alexander Gesmundo bilang bagong chief justice ng Korte Suprema.

Inanunsyo ito ni presidential spokesperson Harry Roque sa kanyang regular na press briefing.

“Pinirmahan na po ni Presidente ang appointment ni dating Associate Justice Alexander Gesmundo bilang bagong Chief Justice ng Korte Suprema ng Pilipinas,” saad ni Roque.

Pumalit si Gesmundo kay Chief Justice Diosdado Peralta na nagretiro noong Marso.

Matatandaan na dating sinabi ni presidential chief legal counsel Salvador Panelo na si Gesmundo ang ‘personal choice’ ng Pangulo para maging chief justice.

The post Gesmundo bagong Supreme Court chief justice first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/gesmundo-bagong-supreme-court-chief-justice/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=gesmundo-bagong-supreme-court-chief-justice)