Darating na sa bansa 500,000 doses ng Sputnik V COVID-19 vaccine na bahagi ng 20 milyong bakuna na in-order ng Pilipinas sa Gamaleya Research Institute ng Russia.

Ayon kay Senador Christopher “Bong” Go, chair ng Senate health committee, darating ng bakuna ngayong buwan o di kaya’y sa May matapos mag-usap si Pangulong Rodrigo Duterte at Russian President Vladimir Putin noong Abril 13

“Isa po sa ginagawa ng gobyerno, nakikiusap po tayo sa ibang bansa. Ito po ang panahon na kailangan nating makipagtulungan at makiusap sa ibang bansa dahil sila po ang merong supply ng bakuna. Sila po ang merong mga manufacturing company,” sabi ni Go.

“So, ang sinabi naman po ni Russian President Putin, tutulong sila. Bagama’t wala pong pinangakong numero o kailan, inaasahan po natin na darating ang Sputnik V vaccine mula sa Russia ngayong buwan o sa susunod… na 500,000 doses,” sambit pa nito.

“Kasi po initially, ang ibinigay lang nila ay 100,000. Pinakiusapan po sila ng gobyerno na gawing 500,000. I think may unang darating na 20,000 na parang pilot run… kasi pag-aaralan pa ang temperature (for storage) na kailangan. Napakalaking tulong na po ito, pandagdag na sa tuluy-tuloy na pagbabakuna sa ating bansa,” dagdag pa ni Ho.

Samantala, sinabi ng senador, na naghahanda ang Department of Science and Technology para sa pagtatag ng virology institute na siyang mag-de-develop ng bakun at iba oang gamitin laban sa iba’t ibang sakit.

“Sa ngayon po ay pinag-aaralan ng DOST ‘yan. ‘Yan po ang magandang balita kasi maski si Pangulong Duterte, pabor sa vaccine institute. It should be our long-term goal,” paliwanag ni Go.

Layunin nito na maiwasan ang sitwasyon kung saan ang mga mahihirap ng bansa ay nabibigyan lamang ng kointing bakuna kumpara sa mga mayayamang bansa.

“Kakasabi lang ng WHO (World Health Organization) na talagang inequitable po ang distribution ng bakuna, so dapat po maghanda tayo. Ang ating gobyerno has allocated PhP50 million in the GAA (General Appropriations Act) for the detailed engineering design para sa institute. It is planned to be built in Tarlac,” ayon ay Go.

The post Go: 500,000 dose ng Sputnik V darating na first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/go-500000-dose-ng-sputnik-v-darating-na/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=go-500000-dose-ng-sputnik-v-darating-na)