Kung gusto talaga ng pamahalaan na malutas ang COVID-19 pandemic, kailangan muna nitong kilalanin ang mga naging kakulangan nito.

Binanggit ito ni Vice President Leni Robredo, habang sinasaad na inuulit lang ng gobyernong Duterte ang parehong mga taktika sa coronavirus response nito.

Hinimok din niya ang gobyerno na tumutok muna sa COVID-19 response at ipagpaliban muna ang mga hindi essential na proyekto nito hanggang sa dulo ng pandemya.

“Para tayong sirang plaka… Ang first step kasi, pagtanggap ng kakulangan. Kaya siguro mabagal ang pag-aksyon kasi walang pagtanggap,” sambit ng VP kahapon sa kanyang lingguhang radio show.

Sa panahon aniya ng panibagong 2-linggong lockdown nitong Marso 29 hanggang Abril 11 ay dapat nagdagdag ang administrasyon ng COVID-19 testing at hospital bed capacity, at dagdag pa aniyang ayuda sa mga apektadong Pinoy.

“Hindi tayo makakapag-lockdown ng another two weeks kung hindi tayo willing gumastos para magbigay ng ayuda sa mga tao,” saad ni Robredo.

The post Gobyerno dapat tanggapin kakulangan sa COVID response – Robredo first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/gobyerno-dapat-tanggapin-kakulangan-sa-covid-response-robredo/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=gobyerno-dapat-tanggapin-kakulangan-sa-covid-response-robredo)