Nasayang lang umano ang 2-linggong lockdown sa NCR Plus gayong hindi naman nagpatupad ang gobyernong Duterte ng pangmatagalang mga hakbang para mapigilan ang muling paglobo ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sinabi ito ng Healthcare Professionals Alliance against COVID-19 kahapon, habang iginigiit ang limang pagbabago sa coronavirus response ng pamahalaan.

“We re-emphasize that this mobility restriction is but a short-term intervention and yet it seems to have been wasted again,” ayon sa HPAAC sa isang pahayag sa Facebook, Abril 11, bago ianunsyo ng Palasyo ang pagtanggal ng lockdown sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal.

“The government still has no clear plans and efforts to fix the root causes and the nation continues to suffer because of this.”

“This ECQ (enhanced community quarantine) may have slowed down the spread, but the numbers are still perilously high,” dagdag nila, na patungkol sa matataas na arawang bilang ng mga nahahawa at namamatay sa COVID-19 sa bansa.

Ilan sa hiling ng grupo ng mga health worker sa gobyerno ang pagtatatag ng nagkakaisang healthcare command sa buong Metro Manila; pagpasa ng batas na tutugon sa anila’y hindi maayos na digital contact tracing; pagpapatupad ng Apat Dapat, na may diin sa ventilation measures, sa lahat ng mga pampublikong gusali at espasyo; pag-recalibrate ng target sa bakunahan para iwas-siksikan sa vaccination center; at paglalaan ng sapat na social safety net at suporta sa mga bulnerableng populasyon.

The post Gobyerno walang klarong plano, ECQ nasayang lang – mga doktor first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/gobyerno-walang-klarong-plano-ecq-nasayang-lang-mga-doktor/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=gobyerno-walang-klarong-plano-ecq-nasayang-lang-mga-doktor)