Sa isang recorded na pahayag matapos ang halos dalawang linggo na hindi nagpapakita sa madla, sinabihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang mga kritiko na magdasal pa lalo kung gusto nila siyang mamatay na.

“You want me to… If you want me to die early, you must pray harder,” ani Duterte sa kanyang pre-taped na “Talk to the People,” Abril 12.

“Actually, what you intend or what you would like to happen is to see me go. You want me to go and you are praying for that. Tawag niyan sa Bisaya, ‘manungo’ (sumpa). Iyang manungo is ‘mamatay ka sana’,” dagdag niya.

Giniit din ni Duterte na wala siyang health condition na pumipigil sa kanya sa paggampan ng tungkulin bilang pinuno ng bansa.

Nagsimulang hanapin ng mga Pinoy ang kanilang pangulo matapos dalawang beses niyang kanselahin ang dapat niyang regular na public address noong nakaraang linggo.

The post Gusto mo akong mamatay? Magdasal ka pa – Duterte first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/gusto-mo-akong-mamatay-magdasal-ka-pa-duterte/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=gusto-mo-akong-mamatay-magdasal-ka-pa-duterte)