136 empleyado ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) ang napag-alamang nagpositibo sa COVID-19.

Ito’y matapos sumailalim sa coronavirus testing ang lampas 500 kawani ng LRT-2.

Karamihan sa mga nagpositibo nilang manggagawa ay nakatalaga sa train depot habang ang ilan ay nasa ticket station.

Napaulat na maaari pang madagdagan ang bilang ng mga COVID-19-positive na tauhan dahil may lampas 1,000 kawani pa ng LRT-2 na isasailalim sa coronavirus test.

Sakaling umakyat pa ang bilang ng mga nahawang kawani ay baka bawasan pa ang 5 tren na bumibiyahe sa LRT-2, ayon kay Light Rail Transit Authority spokesperson Atty. Hernando Cabrera, sa isang ulat.

The post Halos 140 tauhan ng LRT-2 COVID-positive first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/halos-140-tauhan-ng-lrt-2-covid-positive/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=halos-140-tauhan-ng-lrt-2-covid-positive)