Nanawagan ang isang doktor na manatili na lang sa bahay ang mga magpopositibo sa COVID-19 na nakakaranas ng mild symptom.

Ayon kay Dr. Rontgene Solante ng San Lazaro Hospital, i-quarantine ang mga COVID-19 positive sa isang kuwarto ng bahay at kung maari’y huwag na dalhin sa ospital kung ubo at lagnat lang ang nararamdaman nito.

“Kapag mild, ubo lang, lagnat tapos walang hingal, tignan mo kung walang hingal kasi ibig sabihin puwede na lang sa bahay. Bigyan ng eksaktong fluid rehydration, pag-inom ng tubig, pagkain at obserbahan at mino-monitor. Kung nababahala sa lagnat, bigyan ng paracetamol,” ayon kay Solante sa panayam ng DZBB.

Dagdag ng doktor, kapag sa oras na nahihirapan na huminga ang pasyente ay dapat nang tumawag ng health worker para maagapan ang pasyente.

Sa case bulletin ng Department of Health, nasa 98.7 percent ng mga nagpositibo ay tinuturing na asymptomatic o mild case.

The post Health expert: COVID positive na mild sintomas, huwag na isugod sa ospital first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/health-expert-covid-positive-na-mild-sintomas-huwag-na-isugod-sa-ospital/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=health-expert-covid-positive-na-mild-sintomas-huwag-na-isugod-sa-ospital)