Tutulong ang mga nurse at doktor mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) para magrelyebo sa mga pagod na medical staff ng mga pampublikong ospital sa Metro Manila.

Ito ang inihayag ni Tracing Czar Secretary Vince Dizon dahil nagkakasakit na at napapagod na ng husto ang karamihan sa health care workers na nangangasiwa sa mga pasyenteng may COVID-19.

Sinabi ni Dizon na nangako rin ang Department of Health (DOH) na tutulong sa mga hospital at magsadagdag ng personnel para may pamalit sa mga nagkakasakit na medical healrh workers.

“Marami po sa ating healthcare workers ang nagkakasakit at napapagod na kaya kailangan nating tulungan , Tutulong po ang Armed Forces at PNP” ani Dizon.

Kasama aniya sa mga rerelyebo ay mga medical workers mula sa Hukbong Sandatahan, Philippine Coast Guard, PNP at Bureau of Fire Protection (BFP).

At para aniya matugunan ang mataa na bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19, sinabi ni Dizon na may binuksang isolation facilities ang Philippine Red Cross sa pamamagitan ng inisyatib ni Senador Richard Gordon sa tulong ng Metro Manila Development Authority(MMDA) at local government units.

“Ang isolation facility po ay sa UP Diliman at Ateneo de Manila sa Quezon City at sa Dela Salle University sa Maynila,” dagdag ni Dizon.

Marami pa aniyang bubuksang isolation facilities sa iba’t ibang pribado at pampublikong eskuwelahan.

The post Health worker ng AFP, PNP rerelyebo sa mga public hospital first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/health-worker-ng-afp-pnp-rerelyebo-sa-mga-public-hospital/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=health-worker-ng-afp-pnp-rerelyebo-sa-mga-public-hospital)