Imbes na good time sa club ay sa ospital nagpalipas ng gabi si Sterling Brown dahil sa nangyaring pananakit sa kanya.

Ayon sa Houston Rockets, hindi kilala ng kanilang manlalaro ang mga nakaalitan nito, kung saan nagtamo si Brown ng ilang sugat sa mukha.

Inaasahan naman na makarekober agad si Brown ngunit hindi muna lalaro laban sa Miami Heat dahil sa knee injury.

Sa report ng The Athletic, sinabi na hinampas ng bote si Brown at kinailangang isugod sa emergency room.

Huling naglaro si Brown noon pang April 10 dahil sa natamong injury bago ang insidente sa club.

Nag-average siya ng 8.2 points, 4.4 rebounds at 1.4 assists ngayong season

The post Hinampas ng bote! Rockets guard nilusob sa club first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/hinampas-ng-bote-rockets-guard-nilusob-sa-club/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=hinampas-ng-bote-rockets-guard-nilusob-sa-club)