Sinasabing pumalo na sa 350 ang bilang ng mga nakatayong community pantry ngayon sa iba’t ibang sulok ng bansa.

Binahagi ito ni Ana Patricia Non, ang nagtatag ng unang community pantry sa Maginhawa Street, Quezon City.

“Hindi pasisiil! Isang linggo na pala mula nung nagbukas ang #CommunityPantry sa Maginhawa. Ngayon mayroon na tayong 350 Community Pantries sa buong Pilipinas at nadadagdagan pa!” sabi ni Non nitong Miyerkoles, Abril 21.

“Iba talaga ang lakas ng bayanihan ng mga Pilipino pag nagtutulungan. Lahat ay welcome dito, walang pinipili edad, kasarian, kapansanan, relihiyon, ethnicity, at socio-economic class at politikal na paniniwala.”

“Tuloy ang ating mutual aid natin! Mabuhay po tayong lahat!” aniya pa.

Nilahad ni Non ang magandang balita matapos niyang ihinto nang isang araw ang Maginhawa Community Pantry “dahil po sa #RedTagging na nagaganap” at “para sa safety po namin ng mga volunteers.”

Nagpatuloy ang operasyon ng pantry noon ding Miyerkoles.

The post Hindi pasisiil! Mga community pantry sa ‘Pinas 350 na first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/hindi-pasisiil-mga-community-pantry-sa-pinas-350-na/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=hindi-pasisiil-mga-community-pantry-sa-pinas-350-na)