Nalito ang mga netizen nang tawagin ni Jolo Revilla na ‘bayani ng bayan’ si Ferdinand Magellan imbes na si Lapu-Lapu.

Sa Facebook post ng official page ng Cavite vice governor, sinaluduhan niya si Magellan sa nangyaring ‘Labanan sa Mactan’, 500 taon na ang nakararaan.

“Isang pagsaludo sa kagitingan ng isa sa mga unang bayani ng bayan na si Ferdinand Magellan na nagbuwis ng kanyang buhay para sa kalayaan 500 taon na ang nakararaan!” ayon sa post.


Dahil dito’y ilang netizen ang napatanong kung bakit si Magellan, na isang mananakop, ang binigyang-pugay ng politiko, at hindi si Lapu-Lapu.

Makalipas ang tatlong oras, iniba na ni Revilla ang caption at ginawa na itong Lapu Lapu.

Isang pagsaludo sa kagitingan ng isa sa mga unang bayani ng bayan na si Ferdinand Magellan na nagbuwis ng kanyang buhay para sa kalayaan 500 taon na ang nakararaan!

Posted by Jolo Revilla on Monday, April 26, 2021

Ang April 27 ay dineklara bilang special working day para alalahanin ang ika-500 anibersaryo ng ‘Labanan sa Mactan’, kung saan nakatunggali ni Lapu-Lapu ang mga Espanyol na pinangungunahan ni Magellan.

Nagtangkang sakupin ng puwersa ni Magellan ang Cebu, at si Lapu-Lapu ang nanguna para mapaalis ang mga mananakop noong 1521.

The post Hindi si Lapu-Lapu? Magellan tinawag na bayani ni Jolo Revilla first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/hindi-si-lapu-lapu-magellan-tinawag-na-bayani-ni-jolo-revilla/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=hindi-si-lapu-lapu-magellan-tinawag-na-bayani-ni-jolo-revilla)