Nagpositibo sa coronavirus disease 2019 si Department of Environment and Natural Resources (DENR) Undersecretary Benny Antiporda, na kilalang tagapagtanggol ng dolomite sand sa Manila Bay.

Sa serye ng kanyang Facebook posts, Abril 6, ikinuwento ng opisyal ang pakikipaglaban niya sa COVID-19 simula huling linggo ng Marso.

Marso 22 aniya nang mamaos siya at mangati ang lalamunan. Nagsagawa aniya siya agad ng COVID-19 antigen test kung saan nakumpirmang nagpositibo siya sa nasabing sakit.

“Immediate self-isolation, hiwalay kaagad lahat ng gamit to avoid contamination,” ani Antiporda habang binabanggit na tumawag siya sa doktor para magpakonsulta.

Nilista rin niya ang mga gamot na ininom niya, ang pagbaba ng kanyang oxygen level, at ang pag-check up sa kanya ng “COVID teletubbies on the move” na mistulang health workers na nakasuot ng PPE.

https://www.facebook.com/benny.antiporda/posts/10159532232893653?__cft__[0]=AZVepBDqMNh7oj4cJW3Y50N2TPwDDXa0KYJT6EDY4Cl2Nz6gMZ0DpFGz5tAf5WEPR2_ue4r3n-CacXOfXOD6B4RqYXBEaakunpPGDrkHa-_J9yofRGWs9rwRBICDYwbTiWo&__tn__=%2CO%2CP-R

Sa isa pang post, sinabi ng public official na “kaya ko po gamitin ang impluwensiya ko para tanggapin kami ng mga ospital” pero sa halip aniyang kunin ang kwarto sa Capitol Medical Hospital na pinapagamit sa kanya ay ibinigay niya na lang ito sa isang “senior citizen na malubha ang kalagayan.”

“Mas minarapat po naming mag-asawa na sa bahay na lamang kami makikipagsapalaran, may awa ang Diyos!!!” banggit pa ni Antiporda.

Sa kanyang Day 6 update, na pinost din kahapon, sinabi ng kalihim na “habang tinuturukan ako ng gamot ay pabagsak naman nang pabagsak ang oxygen level ng katawan ko.”

“Ang hirap palang huminga habang ang pakiramdam mo ay may dalawang adobe sa likod mo at meron ding hollow block naman na nasa dibdib mo,” salaysay ng opisyal.

“Bagamat umigi ng kaunti ang aking paghinga matindi pa rin ang paghingal kahit konting galaw lang, ganoon pala talaga ang Covid,” dagdag niya.

Pagkatapos din aniya ng 15 araw ay sinubukan niyang mag-swab (RT-PCR) test pero positibo pa rin siya sa coronavirus.

The post Hirap huminga! DENR Usec. Antiporda dinapuan ng COVID first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/hirap-huminga-denr-usec-antiporda-dinapuan-ng-covid/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=hirap-huminga-denr-usec-antiporda-dinapuan-ng-covid)