Ayon sa Department of Health, may ginagawa silang COVID-19 home care package para makatulong na lumuwag ang mga ospital sa bansa.

Inutusan umano ng Office of the President ang DOH na bumuo agad nitong package na naglalaman ng pangunahing kailangan para maalagaan ang mild coronavirus patients sa bahay.

“Itong home care package na immediate na utos sa atin, it will include the basics: mga vitamins, mga paracetamol,” saad ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa ANC, Lunes.

“Para ‘yung mga kababayan natin, if they wish to stay home or if they are asked to stay home, they are confident kasi they have this kit for example, kung saan nandiyan na yung mga iinumin mo and may mga guidance na sa ating mga doctor through telemedicine,” lahad niya pa.

Nakatakdang makipagpulong ang DOH sa mga alkalde ng Metro Manila hinggil sa package.

“Local governments are the navigators. They navigate if a person should go to a hospital or stay at home, but they have to enable,” ayon kay Vergeire.

“Kailangan mayroon silang suporta sa tao kung siya ay magho-home quarantine, kung siya ay pupunta sa ospital. So this is what we are trying to work on right now,” dagdag niya.

The post Home care kit para sa mild COVID patient binubuo first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/home-care-kit-para-sa-mild-covid-patient-binubuo/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=home-care-kit-para-sa-mild-covid-patient-binubuo)