May command responsibility si Pangulong Rodrigo Duterte na palitan ang lider ng COVID-19 task force dahil sa hindi magandang paghawak nito sa krisis na coronavirus sa bansa, ayon kay Senador Risa Hontiveros.

“Perhaps it’s a convenient excuse for the President na nandito itong mga tao na either hindi qualified sa posisyon o dahil hindi nila expertise iyon, o kahit sila’y sibilyan kahit na health secretary o doctor ay hindi nagpapakitang gilas,” pahayag ni Hontiveros msa panayam sa ANC.

“And that is also an element of command responsibility to replace people who are not qualified or are not doing their job well lalo pa’t isang taon na. It’s way more than the time we need, sobrang haba na ng pisi ng mga tao,” dagdag pa nito.

Partikular na itinuro si Health Secretary Francisco Duque III na inilarawa nito bilang “problematic”. Si Duque ang chairman ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases.

“Problematic yung head ng IATF. Yung health secretary na nung isang taon pa lamang, mismong yung mga majority senators na colleagues namin ay nanawagan na palitan siya but he is still there in the saddle,” sabi ni Hontiveros.

Bukod kay Duque, binanggit din nito ang mga dating opisyal na military na kasama sa namamahala sa pandemic response ng gobyerno.

Sabi ni Hontiveros, mas makabubuti kung gagamitin ang expertise ng mga opisyal na military sa nation defense tulad na isyu sa West Philippine Sea at hindi para pamunuan ang health task force.

“Perhaps it is a convenient excuse for the President na nandito itong mga tao na either hindi qualified sa position dahil hindi nila expertise iyon or kahit sila’y civilian, kahit pa health secretary at doctor ay hindi nagpapakitang gilas,” ayon kay Hontiveros.

Muling iginiit ni Hontiveros dapat magkaroon ng overhaul sa IATF at talaga ang mga public health expert at epidemiologist para magkaroon ng kalidad na health crisis response ang pamahalaan sa gitna ng pandemya.

“The sorry state we are in right now ay dahil sa napaka-mahina at hindi mahusay na pandemic response sa pamumuno ng IATF. That’s why I’ve called for not a disbanding of the IATF — we need an IATF — pero overhaul nito,” sabi pa ng senadora.

The post Hontiveros: Pagbalasa sa IATF responsibilidad ni Duterte first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/hontiveros-pagbalasa-sa-iatf-responsibilidad-ni-duterte/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=hontiveros-pagbalasa-sa-iatf-responsibilidad-ni-duterte)