Kinastigo ni Senadora Risa Hontiveros si Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa tila pagsuko na nito ng soberanya ng Pilipinas sa China sa gitna ng patuloy na pananakop ng dayuhang bansa sa West Philippine Sea.

“Sinusuko na ng Presidente ang soberanya ng Pilipinas,” pahayag ni Hontiveros sa isng statement.

“Duwag ba siya o traydor? Either way, he has failed our country. He has failed to defend our sovereignty, our seas, our people. Handa man siyang isuko ang Pilipinas, hinding-hindi naman susuko ang mga Pilipino,” sambit pa nito.

Ginawa ni Hontiveros ang pahayag matapos igiit ng presidente na ang natatanging paraan para mabawi ang control sa WPS ay sa pamamagitan ng dahas.

“Nakakahiyang marinig na mismong ang Commander-in-Chief ng Pilipinas ang pasimuno ng mistulang pagbigay ng ating teritoryo sa China,” sabi ni Hontiveros.

“Sabi niya dati, mag-jejetski siya papuntang West Philippine Sea, hindi naman ginawa. Wala pa rin nga siyang ginagawa, tapos surrender na kaagad?” dagdag pa nito.

Pinuna din ng senadora ang hindi pagkondena ni Duterte sa pananakop ng China sa pinag-aagawang teritoryo.

“Ano pang silbi ng presidenteng inutil?” We should not allow a president who gives up our sovereignty like loose change. We should not accept a president who thinks the only way out of this dispute is through war. Walang may gusto ng giyera,” ayon kay Hontiveros.

“This President swore an oath to defend the constitution and the Philippine nation. A constitution that renounces war as an instrument of national policy. So if a ‘war’ he cannot wage is the only way he can think of to confront China, then that betrays the moral and intellectual bankruptcy of the highest office of the land,” sambit pa nito.

The post Hontiveros sa ‘pagsuko’ ni Duterte sa soberanya ng PH: Duwag o traydor? first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/hontiveros-sa-pagsuko-ni-duterte-sa-soberanya-ng-ph-duwag-o-traydor/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=hontiveros-sa-pagsuko-ni-duterte-sa-soberanya-ng-ph-duwag-o-traydor)