Sinusugan ni Senadora Risa Hontiveros ang panawagan ng advocacy group na humihikayat sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na dagdagan ang libreng dialysis coverage ng lahat ng pasyente habang nasa state of emergency pa rin ang bansa.

Ayon kay Hontiveros, dapat i-upgrade ng PhilHeat ang benefit package sa 144 free dialysis session mula kasalukuyang 90 session.

Kasama din aniya dapat sa coverage angpersonal protective equipment (PPEs), ang COVID-19 testing na requirement bago ang sesyon, gayundin ang iba pang supply cost na ipinapasa sa mga pasyente.

“P12,000 weekly for dialysis sessions, not including transportation, medicine, food, and other daily needs of their family. Ngayon hindi sila maka-access ng life-saving dialysis nila dahil puno na ang mga ospital. Karamihan ay nawalan pa ng trabaho, parang wala ng natitira sa kanila. This is a nightmare beyond comprehension,” sabi ni Hontiveros.

“I ask PhilHealth to consider the full horror story of hospitals these days while improving their policies. Hindi lang COVID ang pumapatay sa mga Pilipino ngayon. Marami sa mga kababayan natin ang naiiwan, at sa tuluyan, ay namamatay dahil puno na ang mga ospital,”dagdag pa nito.

Sa reklamo ng Dialysis PH, isang support group para sa mga dialysis patient, kay Hontiveros, napipilitan silang maghintay dahil ilang ospital na may dialysis services ay natatambakan ng mga pasyente.

May pagkakataon pang nagsasara ang mga dialysis center kapag sumailalim sa quarantine ang mga staff o di kaya’y tinatnggihn ng mg pasyente kapag may sintomas ng COID-19.

“Marami ang pumapanaw habang nasa waitlist. Hindi sila makakahintay dahil lifeline nila ang mga treatments na ito. These deaths, although not included in the numbers reported, are also caused by the circumstances exacerbated by the pandemic,” sabi ni Hontiveros.

“That is why we have to help as many people as we can by judiciously updating our policies and programs to meet the urgent needs of all Filipinos,” sambit pa nito.

Sabi pa ni Hontiveros, maghahain siya ng panukala nag awing paemanente na ang pagdagdag ng free dialysis session ng PhilHealth sa 144 session para mabawsan ang pasanin ng mga pasyente habang naghihinta ng organ donor match.

“Oportunidad talaga ito para patibayin ang ating health care system. Nararamdaman na natin ang mga epekto ng pagkaltas ng budget mula sa Health Department sa gitna ng health crisis. Sana matuto tayo para sa next budget season because the price of our wrong priorities is too steep to pay,” sabi ni Hontiveros.

The post Hontiveros sa PhilHealth: Libreng dialysis coverage gawing 144 session habang pandemya first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/hontiveros-sa-philhealth-libreng-dialysis-coverage-gawing-144-session-habang-pandemya/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=hontiveros-sa-philhealth-libreng-dialysis-coverage-gawing-144-session-habang-pandemya)