Posibleng ginamit ni presidential spokesperson Harry Roque ang kuwarto na nakareserba para kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Philippine General Hospital.

Ayon ito kay Cong. Janet Garin, na dati ring nagsilbi bilang kalihim ng Department of Health.

“As former secretary of health, I am not sure if it still stays now pero sa pagkakaalam ko ang PGH as a hospital ay meron po ‘yang kwarto na naka-reserve for the President of the Republic of the Philippines,” saad ni Garin sa TeleRadyo.

“Baka lang nung nangyari ito at kailangan siyang dalhin sa opsital ay nakiusap siya na i-waive iyon ng Presidente at ipagamit sa kanya,” aniya pa.

Paliwanag ni Garin, hindi napapansin ang naturang reserbang kuwarto ng Pangulo dahil sa mga pribadong ospital ito nagtutungo.

Matatandaan na kinuwestiyon si Roque matapos itong ma-admit para sa COVID-19 treatment.

Binanatan ng ilan si Roque dahil tila naging madali ang pagkuha nito ng kuwarto gayong maraming ospital ang puno at pila ang mga pasyente para lamang ma-admit.

The post Hospital room para kay Duterte, baka ginamit ni Roque – solon first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/hospital-room-para-kay-duterte-baka-ginamit-ni-roque-solon/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=hospital-room-para-kay-duterte-baka-ginamit-ni-roque-solon)