Kinalampag ni Ang Probinsyano partylist Rep. Ronnie Ong ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) na tutukan din ang kalagayan ng mga frontline healthcare worker sa bansa.

Kasunod ito sa reklamong naantala o hindi pagrelis ng kanilang Special Risk Allowance.

Ayon sa kongresista maraming Covid facilities sa bansa ang kulang na sa tao dahil sa malawak nang demoralisasyon sa hanay ng mga health care professional.

“Many of our nurses, doctors and other health care professionals are now trying their best to avoid working in Covid facilities because of the tremendous risk that they have to deal with,” ayon kay Ong.

Kaya naman, giit ng kongresista na nararapat lamang umanong suklian ang sakripisyo ng mga ito sa pamamagitan ng maayos at hindi naaantalang pagbibigay sa kanilang special risk allowance.

The post IATF kinalampag sa naantalang allowance ng health worker first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/iatf-kinalampag-sa-naantalang-allowance-ng-health-worker/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=iatf-kinalampag-sa-naantalang-allowance-ng-health-worker)