Posibleng wala nang kasunod ang dalawang linggong enhanced community quarantine (ECQ) sa NCR Plus.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na mayroon ng naunang isang linggong NCR plus bubble at ngayon ay ikalawang linggo ng ECQ.

Naniniwala ang kalihim na sapat na ang tatlong linggo para matukoy kung nakatulong ba ang paghihigpit para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

“I don’t think ECQ for a third week is actually a possibility. In fact, based on the model of DOH, what they recommended was two weeks of ECQ including last week and then we had earleir another week of bubble,” ani Roque.

Umaasa ang Palasyo na bababa ang bilang ng mga magkakasakit sa COVID-19 sa mga susunod araw basta paigtingin lamang ang ipinatutupad na health protocols, pati na ang dagdag na mga aksiyon para mapigilan ang pagkalat ng kontaminasyon.

“If we implement the minimum health protocols and we intensify our prevention, detection, isolation, tracing initiaitives, we expect the numbers to go down by around 4,000 a day by May 15,”dagdag ni Roque.

Ngayong Lunes magsisimula ang ikalawang linggo ng ECQ sa National Capital Region, Bulacan, Cavite , Laguna at Rizal dahil sa mataas pa ring kaso ng COVID-19.

The post Ika-3 linggo ng lockdown malabo – Roque first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ika-3-linggo-ng-lockdown-malabo-roque/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=ika-3-linggo-ng-lockdown-malabo-roque)