Nakipag-ugnayan ang Philippine Red Cross sa tatlong pamantasan para magkaroon ng dagdag na mga isolation facility habang patuloy ang pagsipa ng mga kaso ng COVID-19.

32 silid-aralan sa high school ng Ateneo de Manila University ang ginawa nang isolation facility, na ayon kay ADMU president Fr. Roberto Yap SJ ay para sa mga pasyenteng ire-refer ng PRC at ng Quezon City local government.

Ang Red Cross aniya ang mangangasiwa sa pansamantalang isolation center, at bawal ang walk-in.

Sinabi naman ni University of the Philippines president Danilo Concepcion na ginawang isolation facility ang 96 silid sa Kamia Residence Hall sa UP Diliman.

Samantala, wala pang binibigay na detalye ang PRC hinggil sa katulad na kasunduan nito sa De La Salle University sa Maynila.

The post Ilang silid sa UP, Ateneo, La Salle gagamiting isolation facility first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ilang-silid-sa-up-ateneo-la-salle-gagamiting-isolation-facility/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=ilang-silid-sa-up-ateneo-la-salle-gagamiting-isolation-facility)