Nagbabala si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa madla laban sa mga gumagamit ng kanyang pangalan para magbenta ng property.

Tinutukoy ng presidential daughter ang dokumento kung saan nakalagay ang sinasabing pirma niya bilang notary public para sa isang property na binenta sa Taguig.

Banggit ng alkalde, na isa ring abogado, hindi na siya nagsasapraktika ng law at hindi rin siya nag-apply para maging notary public.

“It has come to my attention that some unscrupulous individuals are using a notarial stamp with my name to run a scam selling properties in Taguig City. The signature therein is not mine,” ani Duterte sa isang pahayag, Huwebes.

“I do not practice law anymore. I am also not a notary public nor have I ever applied to be one,” lahad niya pa.

Inabisuhan niya ang madla na maging maingat sa pakikipagtransaksyon sa mga gumagamit sa kanyang pangalan, at i-report agad sa PNP o NBI itong mga mapanlinlang na aktibidad.

The post Inday Sara: Hindi ako notary public first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/inday-sara-hindi-ako-notary-public/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=inday-sara-hindi-ako-notary-public)