Bumagal sa 4.5 porsiyento ang inflation rate ng Pilipinas nitong Marso 2021, ayon sa Philippine Statistics Authority.

Ang inflation ay ang pagtaas ng presyo ng ilang pangunahing serbisyo at produktong binibili ng mga consumer, tulad ng gasolina at pagkain.

“Ang pangunahing dahilan ng pagbaba ng antas ng inflation nitong Marso 2021 ay ang mas mabagal na paggalaw ng presyo ng food and non-alcoholic beverages,” ani PSA chief Dennis Mapa ngayong Martes, Abril 6.

Mas mabagal ito sa naitalang 4.7% national inflation rate noong Pebrero.

Samantala, pasok ito sa forecast range ng Bangko Sentral ng Pilipinas na mula 4.2% hanggang 5%, pero mas mataas sa target range ng gobyerno na mula 2% hanggang 4%.

The post Inflation bumagal noong Marso first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/inflation-bumagal-noong-marso/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=inflation-bumagal-noong-marso)