Nabakunahan na si Manila Mayor Isko Moreno laban sa coronavirus disease 2019.

Ngayong araw, tinurukan ang alkalde ng bakuna na gawa ng China’s Sinovac sa OsmeƱa High School sa Tondo, Maynila.

Matapos mabakunahan, hinikayat ni Moreno ang mga nasa priority list na magpaturok na.

“The best vaccines are those vaccines available nowadays. The most efficient vaccine is the one in your arms,” dagdag niya, Abril 4.

Kahapon, pinayagan na ni Pang. Duterte at ng IATF na maturukan na rin ang mga local chief executive sa mga lungsod at bayan na “high-risk” sa COVID-19 transmission.

The post Isko tinurukan na ng Sinovac first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/isko-tinurukan-na-ng-sinovac/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=isko-tinurukan-na-ng-sinovac)