Aabot sa 44 katao ang nasawi matapos na magkaroon ng stampede sa Mount Meron sa Israel na dinaluhan ng libo-libong katao.

Huwebes ng madaling-araw ay nagtipon-tipon ang mga Israeli para sa pagdiriwang ng Lag B’Omer holiday, kung saan inalala ang pagpanaw ni Rabbi Shimon Bar Yochai, isang kilalang sage para sa mga Jewish.

Sa report ng CNN, sinabi na aabot sa 50,000 hanggang 100,000 ang dumalo sa nasabing event, at nagkaroon ng tulakan dahilan para matumba ang libo-libong tao sa hagdanan.

Ayon kay Magen David Adom, 18 ang lubhang nasugatan sa insidente, 80 naman ang bahagyang na-injure.

Inanunsyo ng Health Ministry ng Israel na ang death toll ay nasa 44.

Natuloy ang religious gathering sa kabila ng COVID-19 pandemic dahil higit 50 percent ng populasyon ng Israel ang nabakunahan na.

The post Israel stampede: 44 pisak sa religious event first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/israel-stampede-44-pisak-sa-religious-event/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=israel-stampede-44-pisak-sa-religious-event)