Tumanggi ang mga doktor ni dating Pangulong Joseph Estrada na bigyan siya ng ivermectin dahil pang-hayop lang ang nasabing gamot.

Nilahad ito ng panganay ni Erap na si dating Senador Jinggoy Estrada.

Pinunto rin niya na nag-usap ang magkakapatid kung bibigyan ba ng ivermectin ang kanilang tatay, na dinapuan at gumaling na mula sa COVID-19.

“The doctors said, ‘I will not give ivermectin to your dad because that is only for animals’,” ani Jinggoy sa ANC, Lunes.

“I really have to follow the doctors’ advice,” dagdag niya.

Una nang nagbigay ang Philippine FDA ng compassionate use permit sa ilang ospital na gustong magbigay ng ivermectin sa kanilang mga coronavirus patient, matapos pumabor ang ilang kongresista sa paggamit ng nasabing gamot kontra COVID-19.

The post Ivermectin binawal kay Erap kasi ‘pang-hayop ‘yun’ – Jinggoy first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ivermectin-binawal-kay-erap-kasi-pang-hayop-yun-jinggoy/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=ivermectin-binawal-kay-erap-kasi-pang-hayop-yun-jinggoy)