May nakitang pag-asa si Deputy Speaker Bernadette Herrera na magamit ang murang Ivermectin bilang alternatibong gamot sa COVID-19.

“This could be a major step to recognizing Ivermectin as an inexpensive and effective alternative medicine for the deadly coronavirus disease,” ani Herrera matapos mabalitaan na inirekomenda ng dalawang food-drug regulation officer ng Food and Drug Administration (FDA) na alisin ang direktiba na nagbabawal sa paggamit nito bilang experimental drug laban sa COVID-19.

Ang Ivermectin ay isang anti-parasitic drug na ginagamit sa hayop. Sa ngayon, ayon sa mambabatas, ginagamit na ito ng ilang bansa gaya ng India at South Africa sa paggamot sa mga COVID-19 patient nila.

Una nang nagrekomenda ang World Health Organization, European Medicines Agency, at ang U.S. Food and Drug Administration laban sa paggamit ng Ivermectin sa mga coronavirus patient. Ito ay dahil kulang pa anila ang datos na nagpapakitang mabisa ang nasabing gamot sa tao at sa COVID-19 patients.

“In the absence of an efficient treatment that can be used for the management of COVID-19, our regulators must maintain a more open mind and take a closer look at Ivermectin as a possible cure for the disease, which has so far killed more than 13,000 people across the country,” ani Herrera.

Sa kasalukuyan, ginagamit ang Remdesivir, bilang experimental drug sa panggamot sa mga COVID-19 patient. Nagkakahalaga ito ng P28,000 kada vial at dalawang beses ibinibigay sa pasyente kada araw hanggang sa ito ay gumaling.

Ang Ivermectin naman ay nagkakahalaga ng P35 at isang beses ibibigay sa pasyente kada araw sa loob ng tatlong araw o kabuuang P105 sa buong gamutan.

Nauna rito, nanawagan si Speaker Lord Allan Jay Velasco sa FDA sa pag-aralan ang Ivermectin.

“People have become desperate for a cure. Fast-tracking clinical trials and processes to either grant Ivermectin an emergency use authority or conclusively declaring it unsafe will put the matter to rest,” ani Velasco. “These are desperate times that call for a more proactive regulatory approach. People need alternative remedies to prevent or treat COVID-19.”

The post Ivermectin posibleng murang gamot vs. COVID – Herrera first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ivermectin-posibleng-murang-gamot-vs-covid-herrera/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=ivermectin-posibleng-murang-gamot-vs-covid-herrera)