Sinusulong ng Philippine Hospital Association (PHA) na aprubahan na ang pagbenta ng mga rapid antigen test kit na maaring gamitin ng kahit hindi medical worker.

Ayon kay PHA chief Dr. Jaime Almora, kailangan na mabigyan na ng option ang publiko na magsagawa ng COVID-19 test kahit nasa bahay lang para maiwasan na ang pagkalat pa ng new coronavirus.

Aniya, epektibo naman umano ang mga rapid antigen test, at higit na mas mura dahil hindi na kakailanganin ng ilang gastusin tulad ng manpower sa health frontliner at gastos sa personal protective equipment.

Makakatulong din ito para hindi na dumugin ng mga tao sa mga ospital, lalo’t puno ang mga health facility dahil sa pagsirit ng COVID-19 case.

“If only the FDA (Food and Drug Administration) would approve commercial distribution so that people can buy them like buying pregnancy tests, because it is as easy as doing a pregnancy test, and people will be taught how to do self collection of specimen,” ayon pa kay Almora sa panayam ng CNN Philippines.

“We need people now to defend themselves, to make sure that they will not get sick, because if they get sick, they cannot expect that they will be accommodated right away in the hospitals.”aniya pa.

The post Iwas gastos sa ospital! Mala-pregnancy test na COVID testing payagan na first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/iwas-gastos-sa-ospital-mala-pregnancy-test-na-covid-testing-payagan-na/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=iwas-gastos-sa-ospital-mala-pregnancy-test-na-covid-testing-payagan-na)