Upang maiwasan ang siksikan sa mga vaccination center, umapela si Quezon City Rep. Precious Hipolito Castelo sa Inter-agency Task Force against COVID-19 (IATF) na payagan ang mga pribadong subdivision at village na bakunahan ang kanilang mga residente.

“We are happy that many citizens are willing to get vaccinated despite some unresolved post-vaccination issues, but this problem of congestion is turning them away. They fear they might get the virus in the centers,” ani Castelo.

Natatakot si Castelo na mayroong isang tao na hindi alam na siya ay positibo sa COVID-19 na pumunta sa vaccination center at doon ito makapanghawa.

Ayon pa kay Castelo utang ng gobyerno sa tao ang pagkakaroon ng maayos na sistema at isa sa mga paraan upang magawa ito ay hayaan ang mga subdibisyon na bakunahan ang kanilang mga residente.

“We owe it to our people to improve this system, and one way is to allow private villages and businesses to vaccinate their homeowners and employees,” wika pa ng lady solon.

Mapabibilis din umano nito ang pagbabakuna lalo na kapag marami ng suplay na dumating sa bansa.

“I am sure that villages will not lack volunteer doctors, nurses and other health professionals who could help in the vaccination. They might even have excess volunteers who could assist adjoining villages,” dagdag pa nito.

The post Iwas siksikan: Mga private village payagan bakunahan sariling residente – solon first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/iwas-siksikan-mga-private-village-payagan-bakunahan-sariling-residente-solon/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=iwas-siksikan-mga-private-village-payagan-bakunahan-sariling-residente-solon)