Nag-apply na para sa emergency use authorization (EUA) ang American drugmaker Janssen para magamit sa Pilipinas ang ginawa nilang single-dose na COVID-19 vaccine.

Sinabi ito ni Food and Drug Administration (FDA) director general Eric Domingo ngayong Lunes.

“[They filed] last Wednesday. Now under evaluation,” ani Domingo sa isang ulat, Abril 5.

Sa isang media forum naman ngayon ding araw, kinumpirma ni DOH Undersecretary Ma. Rosario Vergeire ang EUA application ng nasabing drugmaker.

Ang bakuna ng Janssen, kompanyang pag-aari ng US multinational company na Johnson & Johnson, ay isang single dose na coronavirus vaccine.

Samantala, kailangan ng EUA para mapayagang maiturok ang isang bagong bakuna sa partikular na bansa.

The post Janssen nag-apply na ng EUA sa ‘Pinas first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/janssen-nag-apply-na-ng-eua-sa-pinas/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=janssen-nag-apply-na-ng-eua-sa-pinas)