Kung si Jeremy Lin ang tatanungin, walang papantay sa mga Pinoy pagdating sa pagmamahal sa basketball.

Sa tweet ng dating NBA guard, pinuri nito si Jordan Clarkson dahil sa impresibong season at pagrepresenta nito sa Asian community sa NBA.

Dito nabanggit ni Lin na ang mga Filipino fan ay ang ‘best in the world’.

“Been amazing to see what JC has been doin this season and Filipino fans are some of the best in the world!!” lahad ni Lin, na kasalukuyang naglalaro sa NBA G-League para sa Santa Cruz Warriors.


Bukod kay Clarkson, isa si Lin sa mga nanguna para ipamalas ang galing ng Asian sa NBA, naglaro para sa New York Knicks kung saan nagmula ang ‘Linsanity’, matapos nito’y nagkampeon noong 2019 sa Toronto Raptors.

The post Jeremy Lin: Mga Pinoy fan the best sa buong mundo! first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/jeremy-lin-mga-pinoy-fan-the-best-sa-buong-mundo/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=jeremy-lin-mga-pinoy-fan-the-best-sa-buong-mundo)