Tinurukan na ng COVID-19 vaccine na gawa ng AstraZeneca si Department of Science and Technology Secretary Fortunato Dela Peña.

Sa Laging Handa briefing, sinabi ng 71-anyos na kalihim na nabakunahan siya dahil kasama siya sa A2 priority category gayong isa siyang senior citizen.

“Ako, ibabalita ko na ako ay nabakunahan na at napakaganda naman ng aking experience,” ani Dela Peña, Lunes.

Magugunitang pansamantalang hininto ng Department of Health ang paggamit ng AstraZeneca bakuna sa mga edad 59 pababa.

Nirekomenda ng Food and Drug Administration ang pag-awat sa pagtuturok ng AstraZeneca bakuna matapos sabihin ng European Medicine Agency na may posibleng link sa pagitan ng pagkuha ng COVID-19 vaccine ng AstraZeneca at ng blood clotting na may kasamang mababang platelet count sa ilang “very rare” na mga kaso.

The post Kalihim ng DOST bakunado ng AstraZeneca first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/kalihim-ng-dost-bakunado-ng-astrazeneca/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=kalihim-ng-dost-bakunado-ng-astrazeneca)