Dinismis ng Makati Prosecutor’s Office ang mga kasong rape at homicide laban sa 11 lalaki na isinasangkot sa pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera.

Ayon kay Assistant City Prosecutor Joan Bolina-Santillan, sa isang 19-pahinang resolusyon na may petsang Abril 23, ang pinakitang ebidensya ng otoridad ay hindi sapat upang magbunga ng matatag na paniniwala na may nagawang rape, homicide, o rape with homicide.

Kaya naman “dismissed for lack of probable cause” ang mga kasong rape at homicide laban kina John Pascual Dela Serna III, Romel Galido, John Paul Halili, Gregorio Angelo De Guzman, Jezreel Rapinan, Alain Chen, Mark Anthony Rosales, Reymar Englis, Louie Delima, Jamyr Cunanan, at Eduard Pangilinan.

Inapruba nina Deputy City Prosecutor Henry Salazar at City Prosecutor Dindo Venturaza ang resolusyon.

Noong Enero 1, natagpuang walang malay si Dacera, 23, sa bathtub ng kanyang hotel room sa City Garden Grand Hotel, ilang oras matapos ang New Year’s Eve party. Dineklara siyang dead on arrival sa Makati Medical Center.

The post Kasong rape-homicide vs. ‘Dacera 11’ binasura first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/kasong-rape-homicide-vs-dacera-11-binasura/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=kasong-rape-homicide-vs-dacera-11-binasura)