Isa si Ryan Buenafe sa mga kinakatakutang manlalaro noong amateur ranks — nagwagi ng ilang kampeonato sa high school at nadagdagan pa ng apat na tropeo sa UAAP.

Ngunit pagtungtong ng PBA, hindi naging ganoon katanyag ang naging pangalan ni Buenafe.

Pinili ng Alaska Aces si Buenafe bilang eight overall pick sa 2013 PBA Draft, kung saan namalagi siya ng dalawang taon.

Matapos nito’y nalipat sa Meralco Bolts kung saan naging coach niya ang dating mentor sa Ateneo na si Norman Black.

Gayunpaman, saad ni Buenafe sa interview kay Mikee Reyes na iba ang pakiramdam ng paglalaro sa collegiate kaysa sa PBA.

Pag-amin ng Atenista, nawalan siya ng gana nang makatungtong na sa pro league.

“Hindi naman inspired… parang hindi na excited sa basketball,” ayon kay Buenafe.

“Hindi naman sa kino-compare ko… pero malayo talaga yung crowd diba?” aniya pa.

Huling naglaro sa PBA si Buenafe noong 2017, bago nalipat sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL).

The post Kaunti crowd! Ryan Buenafe nawalan gana sa PBA first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/kaunti-crowd-ryan-buenafe-nawalan-gana-sa-pba/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=kaunti-crowd-ryan-buenafe-nawalan-gana-sa-pba)