Hinimok ni Cabinet Secretary Karlo Nograles ang publiko na virgin coconut oil ang gamitin laban sa sintomas ng COVID-19.

Kasabay ito ng sinusulong ng ilang mambabatas na aprubahan ang anti-parasitic drug na Ivermectin bilang gamot sa nakahahawang sakit, na sinabi ni Nograles ay posibleng umabot ng anim na buwan ang clinical trial.

Saad ni Nograles, natapos na ang clinical trial para sa VCO at nakitang nakakabawas ito ng sintomas ng COVID-19.

Ayon pa sa kalihim, mas madaling makakuha ng VCO sa merkado at kahit siya’y umiinom nito araw-araw.

“Ako, personally I feel at least tapos na iyong clinical trials, may FDA na ito. Nakakatulong pa tayo sa coconut farmers natin,” sambit ni Nograles sa panayam ng TeleRadyo.

The post Kaysa maghintay sa Ivermectin: VCO paniguradong mabisa kontra COVID – Nograles first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/kaysa-maghintay-sa-ivermectin-vco-paniguradong-mabisa-kontra-covid-nograles/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=kaysa-maghintay-sa-ivermectin-vco-paniguradong-mabisa-kontra-covid-nograles)