Batid ni Pangulong Rodrigo Duterte na marami ang nagagalit dahil sa desisyon niyang palawigin pa nang dalawang linggo ang umiiral na modified enhanced community quarantine (MECQ) sa NCR Plus.

Sa kanyang Talk to the People nitong Miyerkules ng gabi, sinabi ng Pangulo na wala siyang magagawa dahil sa mabilis na pagkalat ng COVID-19 at ayaw niyang makompromiso ang buhay at kalusugan ng mga Pilipino.

“Alam ko na galit kayo. Magalit na lang kayo sa akin kasi wala man takaga akong magawa. Iyang virus na yan lumilipad yan sa hangin. Eh kung kausap mo yong may virus, ma-virus ka rin. Iyan ang problema sa COVID-19 virus,” anang Pangulo.

Dahil dito nakiusap ang Presidente sa mga nakatira saNCR plus bubblena sumunod na lamang sa mga ipinatutupad na quarantine status para mabawasan ang mga tinatamaan ng COVID-19.

Sinabi ni Pangulong Duterte na nais niyang maging komportable ang mga Pilipino kaya ginawa niya ang desisyong palawigin pa ang MECQ.

“Sumunod na lang muna kayo tutal para naman ito sa lahat. Ako, I would be the last–ako yung pinakahuling tao na mag-istorbo sa buhay ninyo. Sabi ko na nga eh, I want the people to be comfortable,” dagdag ng Pangulo.

Titingnan aniya ng Presidente kung ano ang magagawa sa dinaranas na sakrispyo ng mga tao lalo na yaong pansamantalang nawalan ng trabaho dahil sa ipinatutupad na MECQ.

Matatandaang nagpalabas ng emergency assistance ang gobyerno para matulungan ang mga mamamayang nahihirapan sa mga lugar na umiiral ang MECQ.

The post Kesa magalit sa extended MECQ, sumunod na lang kayo! – Duterte first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/kesa-magalit-sa-extended-mecq-sumunod-na-lang-kayo-duterte/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=kesa-magalit-sa-extended-mecq-sumunod-na-lang-kayo-duterte)