Patuloy pa ang laban ni dating Pangulong Erap Estrada matapos itong dapuan ng COVID-19.

Sa nilabas na medical bulletin ng anak nitong si Jinggoy Estrada, sinabi nito na patuloy ang paglala ng kondisyon ng kanilang padre de pamiliya.

“Yesterday, my father’s condition suffered a setback as his pneumonia worsened,” saad sa medical bulletin.

Kaya naman sinalang sa mechanical ventilation ang dating Pangulo para makatulong sa paghinga nito.

“This was done to improve oxygen delivery as well as to prevent the tiring of his respiratory mechanism,” lahad pa ni Jinggoy.

The post Kinabitan ng mechanical ventilator: Erap lumala kondisyon first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/kinabitan-ng-mechanical-ventilator-erap-lumala-kondisyon/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=kinabitan-ng-mechanical-ventilator-erap-lumala-kondisyon)