Pasok si Vice President Leni Robredo sa prayoridad ng bansa para sa COVID-19 vaccine dahil hypertensive ito — ngunit pinipili nitong huwag munang magpaturok.

Sa panayam ng ‘Headstart’ ng ANC kay Robredo, sinabi nito na gusto niyang mauna muna ang iba tulad ng kanyang mga staff member na nakikisalamuha sa ibang tao.

“I’m qualified already, kasi hypertensive ako. I belong to A3. Pero hindi pa ako nagpapa-vaccinate kasi kulang pa ng supply eh,” ayon sa Bise Presidente.

“I’ve been encouraging iyong mga drivers namin, iyong mga people na may—iyong bumababa talaga sa communities on a very regular basis na may comorbidities. Para sa akin, sila muna bago ako,” aniya pa.

Para naman sa brand ng bakuna, sinabi ni Robredo na okay lang sa kanya kahit anong available basta’t aprubado ito ng Department of Health (DOH) at Food and Drug Administration (FDA).

The post Kulang pa supply: VP Leni hindi muna magpapabakuna first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/kulang-pa-supply-vp-leni-hindi-muna-magpapabakuna/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=kulang-pa-supply-vp-leni-hindi-muna-magpapabakuna)