Concern ng bawat Pilipino ang kalusugan ng sinumang nakaupong pangulo.

Sabi ito ni Sen. Ping Lacson, habang nagkokomento sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na sinadya nitong hindi magpakita sa publiko nang halos dalawang linggo.

“Sinadya daw niya. Sana, huling larong ‘hide-and-seek’ na ito ng Pangulo kasi maraming nag-aalala,” tweet ng mambabatas, Abril 13.

“That said, the health condition of any sitting president should be the concern of every Filipino. Even VP (Vice President) Leni Robredo had the moral decency to say that she was praying for him,” aniya pa.

Sabi ni Duterte, sa kanyang recorded speech na inere kagabi, “talagang sinadya” niya ang pagkawala niya nang ilang araw dahil para aniya siyang bata na kapag kinakalkal o “lalo mo akong kinakantyawan eh mas lalo akong gagana.”

The post Lacson kay Duterte: Sana huling tagu-taguan mo na ito first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/lacson-kay-duterte-sana-huling-tagu-taguan-mo-na-ito/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=lacson-kay-duterte-sana-huling-tagu-taguan-mo-na-ito)