Inendorso ng House Committees on Health at on Appropriations ang panukalang tauhang libreng check-up ng mga Pilipino sa mga ospital ng gobyerno.

Bukod sa check-up, sinabi ni Anakalusugan Rep. Michael Defensor, may-akda ng panukalang Free Annual Medical Check-up Act (House Bill 9072) na may kasama itong libreng blood sugar at cholesterol test.

Maaari umanong dagdagan ang libreng laboratory at diagnostic tests depende sa budget ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth).

Ang mga sakit na may kinalaman sa blood sugar at cholesterol ay kabilang sa mga pangunahing ikinamamatay ng mga Pilipino, ayon sa Department of Health.

The post Libreng taunang medical check-up tinutulak first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/libreng-taunang-medical-check-up-tinutulak/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=libreng-taunang-medical-check-up-tinutulak)