Tatalakayin bukas ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) ang magiging quarantine classification ng “NCR Plus” pagkalipas ng Abril 11.

“The Inter-Agency Task Force shall meet on Saturday, April 10, 2021, to discuss the quarantine classification of the National Capital Region Plus,” sambit ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa isang pahayag, Huwebes.

Napagdesisyunan ito matapos magpulong ang ilang miyembro ng Gabinete kahapon upang pag-usapan ang COVID-19 response ng gobyerno.

Magugunitang simula Marso 29, isinailalim ng pambansang pamahalaan ang NCR Plus — Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal — sa pinakamahigpit na quarantine status sa bansa mula nang magsimula ang pandemyang coronavirus: ang enhanced community quarantine.

Sinimulan na ng ilang kaukulang lokal na gobyerno ang pamimigay ng ayuda para sa mga residente nilang apektado ng panibagong lockdown.

The post Lockdown status ng NCR Plus pag-uusapan bukas first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/lockdown-status-ng-ncr-plus-pag-uusapan-bukas/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=lockdown-status-ng-ncr-plus-pag-uusapan-bukas)