Matapos mapaulat na daan-daang barko ng China ang nakatambay sa West Philippine Sea, pinag-utos ni Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin Jr. ang paghahain ng isa pang diplomatic protest laban sa Tsina.

Sa Twitter, nagkomento ang kalihim sa ulat na sinabi ng National Task Force for the West Philippine Sea na hindi bababa sa 240 barkong Chinese ang nananatili sa exclusive economic zone ng Pilipinas.

“I haven’t heard anything from the fucking NTF-WPS but I’ll take ABS-CBN News’s word for it,” tweet ni Locsin ngayong umaga.

“Changing my policy of acting only on NTF requests.
[DFA Philippines] FIRE A DIPLOMATIC PROTEST NOW,” dagdag niya.

The post Locsin sa DFA: Magsampa uli ng protesta vs. China! first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/locsin-sa-dfa-magsampa-uli-ng-protesta-vs-china/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=locsin-sa-dfa-magsampa-uli-ng-protesta-vs-china)