Nasawi ang isang matanda matapos itong pumila sa community pantry na inihanda ni Angel Locsin para sa kanyang kaarawan.

Ayon sa pulisya, nahimatay ang senior citizen na kinilalang si Rolando dela Cruz, habang naghihintay makakuha sa community pantry sa Brgy. Holy Spirit, Quezon City.

Isinugod sa ospital ang 68-anyos na lolo ngunit base sa inisyal na report ay dineklara itong dead-on-arrival.

Umaga pa lang ay dumagsa na ang mga tao sa community pantry ni Locsin, kung saan nanawagan ang aktres na panatilihin pa rin ang health protocol.

“Hindi po ito ang gusto ko… nagkataon lang po talaga na siguro gutom lang talaga ang mga tao,” ayon kay Locsin.

Humingi rin ng paumanhin ang aktres dahil sa nangyaring mass gathering sa isinagawang community pantry, na aniya’y nahirapan silang kontrolin sa kabila ng pagtulong ng mga munisipyo, barangay, pulisya at militar.

The post Lolo patay sa community pantry ni Angel Locsin first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/lolo-patay-sa-community-pantry-ni-angel-locsin/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=lolo-patay-sa-community-pantry-ni-angel-locsin)