Inanunsyo ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na gumaling na siya mula sa coronavirus disease at mas handa na aniya siyang magsilbi sa bayan.

Banggit ng senior citizen na kalihim, kaya niya dinaig ang COVID-19 ay dahil pinanatili niyang malusog ang kanyang katawan at isip.

“I’m pleased to announce that I’m now Covid-free. At 72, the odds are not exactly in my favor,” tweet ni Lorenzana, Linggo ng umaga, kalakip ang mga larawan niya habang nage-exercise sa bahay.

“How did I survive? I always maintain my physical and mental health even before I was diagnosed.”

“I am now ready more than ever to serve our nation,” aniya pa.


Abril 6 nang ianunsyo ng kalihim na dinapuan siya ng nasabing virus.

The post Lorenzana COVID-free na first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/lorenzana-covid-free-na/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=lorenzana-covid-free-na)