Mula isa ay ginawang tatlo ng Lung Center of the Philippines (LCP) ang emergency rooms (ER) nito habang patuloy ang pagdami ng mga kaso ng COVID-19.

“Itong capacity ng emergency room, talagang lumaki na nang lumaki. In fact, nag-expand na kami ng emergency room,” banggit ni LCP spokesperson Dr. Norberto Francisco sa DZBB, Linggo.

“Tatlo na ang emergency room ngayon. We maintain one for the clean cases, ‘yung mga non-COVID,” aniya pa.

Punong-puno na aniya ang ER capacity ng LCP, gayundin ang mismong loob ng ospital.

“Kahapon, napilitan kaming maglabas ng public advisory na 200% capacity na ‘yung aming emergency room. Hindi lang puno. Punong puno! And that is because ‘yung loob ng ospital ay puno na rin. In fact, ‘yung ospital, puno na kami for the past two weeks at least,” sabi ng doktor.

“Ginagawan lang namin ng paraan ‘yung nasa emergency room. Nagdadagdag kami ng mga kama, ng mga stretchers, mga reclining chairs. Siyempre, kasama mga oxygen supply, IV lines, mga infusion pumps kapag kailangan kasi may mga dumadating na severe, critical,” dagdag niya.

Hanggang ngayong Linggo, ayon pa kay Francisco, may 23 aktibong kaso ng COVID-19 sa mga tauhan ng LCP.

198 iba pa ang gumaling na mula sa virus.

The post Lung Center dinamihan ang emergency room first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/lung-center-dinamihan-ang-emergency-room/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=lung-center-dinamihan-ang-emergency-room)