Huwag maniwala sa maling impormasyon patungkol kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang ipinaalala ni Presidential Communications Operatins Office (PCOO) Secretary Martin Andanar sa kanyang Facebook post matapos kumalat ang tsismis na nagkaroon umano ng mild stroke si Pangulong Duterte.

Naka-post sa FB account ng kalihim ang screenshot ng ulat na umano’y nagkasakit si Pangulong Duterte mula sa Maharlika tv at tinatakan ng fake news

“Huwag magpapaniwala sa fake news” ani Andanar sa kanyang facebook post.

Umikot ang fake news nitong Miyerkules matapos kanselahin ang nakatakda sanang Talk to the People ng Pangulo matapos marami sa miyembro ng Presidential Security Group ang nagpositibo sa COVID-19.

Huling nakita ng publiko si Pangulong Duterte noong March 29 sa kanyang regular Talk to the Peole.

Tiniyak naman ng pamunuan ng PSG na ligtas ang Pangulo sa COVID-19 at maayos ang kundisyon ng kanyang kalusugan.

The post Mag-ingat sa fake news vs. Duterte – Andanar first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mag-ingat-sa-fake-news-vs-duterte-andanar/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=mag-ingat-sa-fake-news-vs-duterte-andanar)