Matapos magsara nang isang araw dahil sa isyu ng security, bukas na muli ang Maginhawa community pantry sa Quezon City.

Nagsimula nang mamahagi ng goods ang nagtatag ng pantry, si Ana Patricia Non, at ang mga volunteer pasado alas-7 ng umaga ngayong Miyerkoles.

Nakabantay din sa pila ang mga tauhan ng QC Task Force Disiplina at iba pang lokal na otoridad para panatilihin ang security at health protocols.

Kahapon, pinabatid ni Non na awat muna ang community pantry “dahil po sa #RedTagging na nagaganap” at “para sa safety po namin ng mga volunteers.”

Bago ito ay may tatlo aniyang pulis na nanghingi ng personal niyang mga impormasyon.

Samantala, sinabi naman ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na titiyakin ng lokal na gobyerno na mananatiling ligtas at hindi nahahadlangan ang mga organizer at benepisyaryo ng mga community pantry sa lungsod.

The post Maginhawa community pantry balik-operasyon na! first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/maginhawa-community-pantry-balik-operasyon-na/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=maginhawa-community-pantry-balik-operasyon-na)