Tumama ang isang magnitude 4.6 na lindol sa lalawigan ng Maguindanao ngayong Martes ng umaga.

Ayon sa earthquake bulletin ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology, naganap ang lindol alas-7:49 ng umaga, Abril 20, sa 29 kilometro southwest ng bayan ng Datu Blah T. Sinsuat.

Itong tectonic na lindol ay may lalim na umabot sa 605 kilometro.

Samantala, banggit ng Phivolcs, hindi inaasahan ang mga aftershock at pinsala kasunod nitong lindol.

The post Magnitude 4.6 niyanig ang Maguindanao first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/magnitude-4-6-niyanig-ang-maguindanao/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=magnitude-4-6-niyanig-ang-maguindanao)