Niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ang Davao Occidental kaninang Miyerkoles ng madaling-araw.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nangyari ang pagyanig alas-4:08 ng umaga sa 118 kilometro southeast ng bayan ng Jose Abad Santos.

Tectonic ang origin ng lindol at may lalim itong 91 kilometro.

Naitala ang Instrumental Intensity 1 sa General Santos City at Koronadal City sa South Cotabato, at sa Alabel at Kiamba sa Sarangani.

Samantala, dagdag ng Phivolcs, wala namang inaasahang pinsala matapos ang nasabing lindol pero dapat anilang asahan ang aftershocks.

The post Magnitude 5.1 tumama sa Davao Occidental first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/magnitude-5-1-tumama-sa-davao-occidental/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=magnitude-5-1-tumama-sa-davao-occidental)