Pumanaw ang isang magsasaka sa Hinunangan, Southern Leyte matapos kumain ng puffer fish.

Tinukoy ng otoridad ang biktima na si Dario Bacus, isang 39-anyos na magsasaka sa Barangay Union.

Napag-alamang umuwi si Bacus ng bahay alas-7 ng gabi, Martes, dala-dala ang 1 kilo ng puffer fish, na niluto niya at kinain.

Sinasabing gumising muli ang magsasaka alas-4 ng madaling-araw, Miyerkoles, at niluto ulit ang isda.

Nakatanggap ng ulat ang pulisya galing sa Hinunangan emergency response team kaya nila pinuntahan ang bahay ni Bacus.

Sabi pa ng otoridad, lumitaw sa examination ng labi na nalason ang magsasaka at walang nakitang foul play sa pagkasawi.

The post Magsasaka lumantak ng puffer fish tigok first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/magsasaka-lumantak-ng-puffer-fish-tigok/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=magsasaka-lumantak-ng-puffer-fish-tigok)