Kayang-kaya pa mag-jogging at sumakay ng motorsiklo ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa mga pinakitang larawan at video ni Senador Bong Go, makikita na nakakatakbo pa ang Pangulo habang may suot na face mask at face shield.

Nag-posing din si Duterte habang nakasakay sa kanyang motorsiklo.

“Mga kababayan ko, Malungkot at Mahirap ang maging Pangulo sa Panahong ito. Suportahan natin si Tatay Digong, ang taong totoong nagmamahal sa ating kapwa Pilipino,” ayon kay Go.

Umugong ang mga haka-haka na may sakit umano ang Pangulo dahil sa mga nakanselang public appearance nito, tulad ng pagdiriwang ng Araw ng Kagitingan sa Bataan na regular na pinupuntahan ni Duterte.

The post Malakas pa! Duterte maliksi sa pag-jogging first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/malakas-pa-duterte-maliksi-sa-pag-jogging/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=malakas-pa-duterte-maliksi-sa-pag-jogging)